Cryptoday 070 – Kinain ng Aso ko ang aking Newsletter! PlatoAiStream PlatoAiStream. Data Intelligence. Vertical Search. Ai.

Cryptoday 070 – Kinain ng Aso ko ang aking Newsletter!

Share some Bitpinas love:

Welcome sa Saturday morning edition ng Cryptoday! Sana ito na ang tamang schedule upang hindi na natin makaligtaan ang mga mahahalagang balita sa crypto na lumalabas tuwing Biyernes.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here on Feb. 12, 2022. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day or two days after the English version is out. (This one came out six days later.) Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Cryptoday 070 – Kinain ng Aso ko ang aking Newsletter! PlatoAiStream PlatoAiStream. Data Intelligence. Vertical Search. Ai.
Cryptoday 070 – Kinain ng Aso ko ang aking Newsletter!

Halimbawa na lamang, matapos ang malakas na “green market”, nagkaroon tayo ng biglaang pagbagsak sa hatinggabi ng Manila time. Mas maganda pa rin ang posisyon natin kumpara sa mga nakaraang linggo, subalit ang kabuuang ‘gains’ para sa global market cap ay aabot lamang sa 10%.

Ang Presyo ng SLP

Table of Contents.

Dumaan sa isang emosyonal na roller coaster ang presyo ng SLP nitong nakaraang linggo. Nagsimula ito sa pagkakaroon ng napakalaking ‘oversold’ na kondisyon sa presyong $0.01 (Php 0.50) na biglang bumulusok pataas ng $0.04 (Php 2.00) kahapon, bago ito bumalik pababa ng $0.025 (Php 1.25) makalipas ang hatinggabi.

Ang naranasan nating ‘hagupit’ na ito ngayong linggo ay dulot syempre, ng kamakailang anunsyo ng SkyMavis tungkol sa kanilang pagtanggal sa rewards para sa non-competitive side ng Axie Infinity, inaasahang mapapababa nito ang issuance ng SLP ng 50%. Sa isang retail market na gutom para sa buy signals, tiyak na magiging ‘greenlight’ ang anunsyong ito.

Gains ng Iba Pang Crypto

Nagawa ng ilan sa mga merkado ang panatilihin ang kanilang mga gains. Ang $BTC, $ETH, $BNB, at $ATOM ay nananatiling mas mataas ng 10% kumpara na nakaraang linggo. Samantalang ang ibang coins ay bumagsak sa pagkakaroon ng Red Candles mula sa Green, katulad na lamang ng $SOL (-4%) at $NEAR (-2%), habang ang mga proyektong tulad ng $LINK, $FTM, at $LUNA ay bumalik lang kung saan sila nagsimula. Sa pangkalahatan, kabilang sa may pinakamataas na gains ay ang $AVAX (+20%), $AXS (+21%), at $RON (+40%).

Bakit Bumaba ang Presyo ng Bitcoin?

Ano ang dahilan ng pagbagsak ng mga presyo ngayong umaga? Naniniwala ang Coindesk at ang Decrypt na ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasama na rito ang pagbibigay ni US President Biden ng warning sa mga citizen na agad nang lisanin ang mga  nabanggit na bansa. Dagdag pa rito, naiulat na umabot ang lebel ng US Inflation kahapon sa pinakamataas nito mula noong 1980. Base sa teorya, ito ang magtutulak sa mga investor na lumipat sa mga “less risky” na mga investment hindi tulad ng stocks at cryptocurrencies.

PDAX

Sa lokal na balita, inanunsyo ng PDAX na $50M ang kanilang natanggap sa pagtatapos ng kanilang investment round nitong nakaraang Huwebes sa pangunguna ng Tiger Global. Pinapatunayan ng laki ng investment round na ito ang aking teorya na binabalak ng PDAX na tapatan ang Philippine Stock Exchange, hindi lang bilang isang crypto exchange.

Hindi na katakataka ang galaw na ito sa gitna ng balitang muling pagpasok ng Coins.ph sa ‘crypto scene’ matapos ang kanilang 3 taong detour mula sa kanilang ‘mobile money wars’, dagdag pa rito ang malaking pag-invest ng Paymaya, Gcash, at Unionbank sa kani-kanilang mga planong crypto exchange business. Pati nga ang Facebook ay may lisensya na upang makapagtatag ng crypto exchange dito sa Pilipinas.

May mas mataas na tyansang makakuha ang PDAX ng interes mula sa bahagi ng tradisyunal na stock trading communities kumpara sa pag-onboard ng mga  play-to-earn users lamang, lalo na at mas pinahahalagahan ng merkado ang ‘retail’ sa  kompetisyong ito. Isipin niyo na lang: kasalukuyan nang sinusuportahan ng Gcash at UB ang mga play-to-earn users sa Pilipinas. Ang kulang na lang ay ang aspeto ng ‘exchange technology’ at hindi na mahirap isama ang ganitong teknolohiya sa ngayon. 

And On-Ramp ng Crypto sa Pilipinas

May magaganap na digmaan sa pag on-ramp ng crypto dito sa Pilipinas ngayong taon, kasali rin dito ang mga international players gaya ng Coinbase, FTX, at syempre, maging ang Binance. Lahat sila ay sabik na magkaroon ng magandang panimula sa bansa. Magiging maganda ito para sa mga consumer, dahil maglalabas ng malalaking halaga ang mga brands na ito para sa kanilang marketing at growth efforts. Magiging balakid ito para sa mga lokal na crypto business at bilang resulta ay inaasahan kong makakita ng ilang consolidation sa taong ito.

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na Sabado, mga ka-crypto! Have a great weekend!

This article is published on BitPinas: Cryptoday 070 – Kinain ng Aso ko ang aking Newsletter!

Share some Bitpinas love:

Time Stamp:

More from Republished By Plato